Hihilahin pa lang niya sana ang panty ko paibaba nang makarinig kami nang sunod-sunod na katok sa pinto at paggalaw ng seradura nito. "Mama! Papa!" matinis na tinig ni Bokbok ang narinig namin mula sa labas. Napangisi akong bigla at nakahinga nang napakaluwag. Samantalang sunod-sunod na mura naman ang pinakawalan ni Gab habang nasa ibabaw ko siya. "Buksan mo na 'yong pinto. Your mom and your sister are already outside," aniko sa kanya habang pinipigilan ko ang malakas kong pagtawa. "Tsk. Lucky you, baby. They saved your ass," bulong niya ngunit bago siya tuluyang bumangon ay sinipsip niya muna ng mariin ang leeg ko! "Gaaab!" Muntik ko na siyang masuntok ngunit mabilis na siyang umalis sa ibabaw ko! Nakangisi niyang isinuot ang t-shirt niya bago siya nagtungo sa pinto at binuhay na ri