Sa fire-exit maingat na inilabas ni Gab si Eden at inabangan naman doon ng mga taong ipinadala ni kuya Geoffrey para sa amin. Naiwan naman ako dito sa loob ng unit habang sinusubaybayan ko ang mga monitor ng mga CCTV sa labas. Pansin kong pabalik-balik na sa labas sila Mila at Eloisa at sigurado akong hinahanap na nila ngayon si Eden. Dumating na rin ang mga tao ni Rod upang sunduin sila at dahil dito ay malalaman na rin nilang nawawala si Eden. Isa ito sa mga magiging problema ngayon ni Rod. Hindi niya hahayaan na may mawala isa man sa mga babae niya dahil may tiyansang sumiwalat ang itinatago niyang kabulukan kasama ng kanyang ama. Tuluyan na nga silang nagkagulo at tila hindi na malaman ang gagawin. Nagmadali sila sa pag-ikot sa mga hallway at pagbaba-taas sa mga hagdan. Si Gab