Hindi mapakali ang dalawang lalaki habang naghihintay sa labas na delivery room. Kailangan kasing mag-undergo ng caesarian operation si Pasha dahil sa sobrang laki ng bata. Kanina pa ito nahirapan sa labor room hanggang sa iminungkahing ipa-CS na lang. “Kasalanan mo ‘to! Sinabi ko ng bawal ang ice cream pero araw-araw kayong nag-ice cream!” Sinisi ni Chad si Jether dahil hindi naman siya nagkulang ng abeso na bawal kumain ng sobrang ice cream. “Kunsintidor ka kasi sa mga luho niya,” dagdag pa ni Chad. Hindi nagustuhan ni Jether ang tono ng pananalita ni Chad kasi hindi nito alam ang kanyang dinanas tuwing aayaw siya sa mga kagustuhan ni Pasha. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit hindi ko siya kayang pigilan?” Inirapan ni Chad si Jether kasi kahit ano pa ang magiging dahilan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books