Ilang sandali silang nagkatitigan.Walang bumitaw. Nakatingin siya sa tiyan ni Audrey at gano’n din ang ginawa ng babae sa kanya. “Si Chad din ba ang ama niyan?” Tinanong niya ang babae dahil halos magkasing-laki lang ang kanilang mga tiyan. Matagal niyang hinintay ang sagot ni Audrey at kinabahan siya ng husto. Malaking issue kapag si Chad ang ama ng dinadala ni Audrey. Hindi lang kay Chad kundi pati na rin sa kapatid niya. “Hi Pasha, kumusta ka na?” “Sagutin mo muna ako, Audrey. “Si Chad ba ang ama ng dinadala mo?” “Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Ilang buwan din tayong hindi nagkita, Pash. Hindi mo ba ako naisip kahit sandali lang?” Gusto niyang sabihin sa babae na araw-araw at gabi-gabi niya itong iniisip. Sa loob ng ilang buwan na hindi sila nagkita, ni minsan ay hindi nawa