Upang makaiwas sa mga malisyosang mata at makakating dila, napagkasunduan nilang lahat na doon na sila tumira na bahay na bagong nabili ni Jether. Sinadya niyang bilhin iyon para sa kanila ni Chad dahil hindi niya bet ang condo ng lalaki. Isa pa, ayaw niyang matulog sa kama kung saan may naganap na kababalaghan sa pagitan nila ni Audrey. “Ang lalim naman yata ng iniisip mo,” sabi ni Chad nang mapansin niya si Jether na nakatingin sa malayo. Sinundan niya ang mga mata nito at nakita niya si Pasha na nakipaglaro sa kanilang aso na si Maya. Makulit ang isang iyon at sa tingin niya ay mapapagod lang ang babae. “Ang bilis ng panahon, ano? Malapit na ang kabuwanan ni Pasha, excited ka ba?” “Syempre naman! Kanino kaya siya magmana ng kagandahan? Huwag naman sanang titibo-tibo paglaki ang ana