Nang sumama si Pasha sa kanilang ina patungong kusina, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang lalaki makapag-usap. First time iyon simula nang iniwan ni Jether si Chad sa Moalboal. “Akala ko ba ay bumalik ka na sa Europe,” may bahid ng pagtatampo ang boses ni Chad nang kinausap niya si Jether. Lubos siyang nasaktan noon sa ginawa ng lalaki pero pinili niya pa ring intindihin ito. “Bumalik ako para sayo,” tugon ni Jether ngunit ngumisi lang si Chad na para bang hindi ito naniwala sa sinabi niya. “Na-realize ko na hindi ko kayang mawalay sayo,” dagdag pa niya. Biglang nanikip ang dibdib ni Chad dahil sa narinig. Matagal na niyang gustong marinig mula kay Jether na sabihin nitong siya lang ay sapat na. Tiningnan niya ito sa mukha at saka siya umiling. “Hindi na tayo pwede,” sabi niya. Hin