TWELVE YEARS AGO… Unang araw pa lang ng eskwela ngunit balisa na kaagad si Jether. Nahirapan siya sa kanyang mga subjects at ni isa sa kanyang mga kaklase ay wala siyang pwedeng pagtanungan. Pagkatapos maghapunan ay dumiretso siya sa kanyang silid upang magpahinga ngunit hindi siya makatulog. Napabuntong-hininga siya habang iniisip kung ano kaya ang pwede niyang gawin. Mag-shift na lang kaya siya ng kurso? Paano na ang pangarap niya na maging isang engineer balang araw? Pero baka umiral na naman ang kanyang pagiging overthinker. Hindi naman talaga siya bobo kaya mayroong posibilidad na kakayanin niya ang lahat. Kinaumagahan, maaga siyang umalis ng bahay papuntang unibersidad. As usual, hindi sumabay si Pasha sa kanya dahil late na itong n