Halos dalawang buwan na siyang hindi dinatnan ng kanyang buwanang dalaw kaya sigurado siya na nagbunga ang nangyari sa kanila ni Chad dati. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto at inasa na lang niya sa prutas at chichirya ang kanyang pagkain. Patulog-tuloy lang siya, hilata buong araw at panay ang pagtambay sa social media. Wala siyang gana kumain ng masustansya at wala rin siyang gana na pumasok sa trabaho. Gusto lang niyang tumambay sa kwarto buong maghapon at walang gagawin. Tinatamad siya. Ilang beses na siyang tinawagan ni Chad ngunit bawat tawag ay kanyang inignora. Malapit ng magtanghalian ngunit hindi pa siya nakaligo. Magulo pa ang kanyang buhok at wala siyang pakialam kung hindi pa siya nakapagsilyo ng kanyang ngipin. Kaya lang habang naaliw siya sa pinapanood na video a