Ang sabi ay one week lang daw ang leave ni Pasha Macaraeg ngunit sumobra na ito. Kahit tapos na ang filing ng ITR, may mga monthly deadlines pa naman na kailangang asikasuhin. Kulang na sila sa manpower kaya kinailangan niyang makausap ang babae ng personal. Kung ayaw na nitong magtrabaho sa firm, eh di mag-resign ito ng maayos. Hindi iyong basta na lamang aalis na hindi magpaalam ng maayos. Nag-alburoto ang kanyang pakiramdam habang nagmaneho papunta sa bahay nina Pasha. May pangamba sa kanyang puso na baka hindi siya haharapin ni Jether. Tama, ginawa niya lang dahilan si Pasha ngunit si Jether talaga ang kanyang pasya. Well, tinawagan nga siya ni Pasha ngunit hindi naman ito nakipag-usap ng maayos. Prank call lang ‘ata ‘yon. “Sino sa inyo ang tomboy?” Dumadagundong ang boses ni Chad