Namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak at mas lalo lang siyang nalungkot dahil wala siyang karamay. Mag-isa lang siya sa apartment at hindi pa rin niya makontak si Pasha. Gusto niya sanang tawagan si Chad pero inunahan siya ng hiya. Ilang araw na siyang hindi nagpakita kay Chad at hindi rin niya sinagot ang mga tawag ng kanyang nobyo. Hindi niya kasi alam kung paano niya haharapin ang lalaki pagkatapos niyang makumpirma na hindi niya kayang magbuntis. Noong dinatnan siya ng kanyang buwanang dalaw, halos mawalan siya ng malay at parang binagsakan siya ng mundo. Ipinagpalit niya si Pasha sa kagustuhang magkaroon ng anak ngunit sa bandang huli ay hindi niya pala kayang magbuntis. Ano na ang gagawin niya? Pupuntahan ba niya si Pasha at humingi ng tawad? Pagkatapos ay ano? Makiusap siyan