Dahil sa desisyon ni Chad na itutuloy pa rin ang pagpapakasal kay Audrey ay tuluyan ng nawalan ng gana si Jether at nauna na itong bumalik sa city. Naiwan si Chad na magulo ang utak, ganunpaman, walang makapagpabago ng kanyang desisyon na ituloy ang kasal nila ni Audrey. Habang nakadapa siya sa kama ay inabot niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang lalaki ngunit hindi niya ito makontak. Napatiimbagang siya habang nakatitig sa kawalan. Hindi niya masisisi si Jether kung bakit ito nagalit at nami-miss na niya ito ng sobra. Bago pa siya maging sentimental at maiyak, muli niyang inabot ang kanyang cellphone at tinawagan si Audrey. Patuloy lang na nag-ring ang numero nito ngunit hindi sumagot ang babae. Gusto niya pa sanang sulitin ang kanyang pagbabakasyon dahil bihira lang nam