Bilang bunso ay sanay na siya sa bonggang pa-birthday ng kanyang ina ngunit hindi siya prepared sa kanyang nabungaran nang dumating sila sa bahay. Napuno ng pink balloons ang kanilang sala. May bouquet din at tarpaulin. Namula si Pasha sa kahihiyan dahil natitiyak na iisipin ng mga kasamahan sa trabaho na masyado siyang pabebe. Nang lumabas si Juliet Macaraeg upang asikasuhin ang mga bisita, bigla na lang itong tumakbo papunta kay Pasha at pinupog ito ng halik sa pisngi na parang bata. Mas lalong namula si Pasha. “Happy birthday Pash,” binati ni Juliet ang kanyang bunsong anak. “Over naman tong ginawa mo, Ma. Simple lang sana,” sabi ni Pasha. “Tumigil ka na! Ngayong taon lang tayo nakumpleto simula ng mangibang-bansa ang kapatid mo,” p