Siya si Pasha Macaraeg, ang kinatatakutang auditor noon sa BIR, ngunit hindi siya nag-alinlangan na iwanan ang kanyang trabaho sa BIR upang makilalang mabuti ang kanyang karibal kay Audrey.
Trese anyos pa lamang siya noong matuklasan niya na babae rin ang kanyang gustong makarelasyon. Saka lang niya naintindihan kung bakit hindi siya interesado sa mga sikat na boybands noon na siyang kinagigiliwan ng mga pinsan niyang babae. Pero kung all girls naman ay siya pa ang magpasimuno na manood ng concert o di kaya ay bumuli ng mga abubot. Ang una niyang karanasan sa pakikipagrelasyon sa isang babae ay noong nasa college pa lamang siya at naging karibal pa nga niya ang kanyang kapatid noon.
Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Caitlyn Tumulak eh ang babae lang naman ang campus crush nila noon? Nang maisipan ni Caitlyn na manirahan sa dorm dahil gusto nitong maranasan ang buhay ng mga estudyante na nakatira sa dorm, naging roommate silang dalawa. At ang beauty queen ng kanilang unibersidad ay lagi na lang naka-sando at panty lamang kapag nasa silid lang sila.
Noong una ay walang kaalam-alam si Caitlyn na isa siyang tibo dahil pareho naman silang beauty queen sa kanilang campus, eh. Kaya medyo awkward ang kanilang sitwasyon nang malaman ni Caitlyn ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi na ito kumpyansa sa pagsusuot ng sando at panty lamang kapag nasa loob silang dalawa, ganunpaman, hindi siya pinuna ni Caitlyn.
Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, hindi na nila napigilan ang kanilang mga sarili. Umamin si Caitlyn na gusto rin niya si Pasha. Mutual pala ang pagkakagusto nila sa isa’t-isa kaya sobrang natuwa sa Pasha noon.
“Lalaki ang dapat kong mahalin pero bakit nahulog ang loob ko sayo, Pasha?” Tinanong ni Caitlyn ang kanyang ka roommate.
Napatiimbagang si Pasha nang maalala niya ang sinabi ni Caitlyn dati. Mahal daw, pero sa huli ay trinaydor siya nito. Hindi lang sa kahit sinong lalaki, kundi sa kapatid pa niya mismo. Ilang taon din niyang dinibdib ang pagtataksil ni Caitlyn sa kanya noon, at natatakot siya na gagawin din ni Audrey ang ginawa ni Pasha dati.
Nang sinabi ni Irene na mag-lunch din sila sa labas, inakala niya na kasama sina Chad at Audrey, hindi pala. At nang hindi nakabalik si Chad sa opisina after lunchbreak, hindi niya maiwasan na ma-badtrip. Parang alam na kasi niya kung ano ang ginawa ng dalawa.
Muli niyang sinipat ang oras mula sa suot niyang relo at ilang oras na lang ay maghahating-gabi na, ngunit wala pa rin si Audrey. Kanina pa niya tinawagan ang cellphone nito ngunit nakapatay yata dahil hindi niya ito makontak.
Paulit-ulit ang pagbuntong-hininga ni Pasha habang pilit na inaaliw ang sarili sa panonood ng t****k videos. Nang marinig niya ang pagpasok ng susi sa doorknob, hinintay niya ang pagbukas ng pintuan, at nagulat si Audrey nang makita siyang gising pa.
“Bakit gising ka pa?” Tinanong ni Audrey si Pasha ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa babae. Batid niya kasi sa kanyang sarili na galit ito.
“Tinatanong pa ba ‘yan? Alam mo na naman na hihintayin talaga kita, bakit ngayon ka lang?” Nakakunot ang noo ni Pasha habang hinintay ang magiging sagot ni Audrey.
“May pinuntahan pa kasi kami ni Chad,” sumagot si Audrey.
“Hindi mo lang ba naisip na masasaktan ako sa ginawa mo?” Tinanong niya si Audrey.
“Pasha naman, eh! Alam mo naman ang kalagayan naming ni Chad, at alam mo rin naman ang sitwasyon natin!” Galit na sinagot ni Audrey si Pasha. Lately kasi ay napasin niya na parang napaka-possessive na ni Pasha sa kanya.
“Mahal na mahal kita Audrey, at alam mo yan!” Giit ni Pasha.
“Alam ko! At mahal din naman kita, pero kailangan ko ng anak! Gusto kong magka-anak, at si Chad lang ang pwedeng makapagbigay sa akin ng anak!” Bahagyang tumaas ang boses ni Audrey kasi nainis siya sa inasal ni Pasha. Noon pa man ay alam na nito kung bakit pumayag siyang makipagrelasyon kay Chad.
“Oo, alam ko yon! Pero tangina naman Audrey, kailangan ba talagang ipakita mo sa akin kung gaano kayo ka sweet? So ano, nasarapan k aba?” Alam niyang may pagka bastos ang kanyang tanong pero tuluyan na kasing humulagpos ang kanyang galit. Bawat sandali na hinintay niya si Audrey ay hindi maiwaglit sa kanyang isipan ang mga bagay na posibleng ginawa ng dalawa.
Hindi na nakatiis si Audrey sa pambabastos ni Pasha sa kanya kaya automatikong tumaas ang kanyang kamay at dumapo sa mukha ng babae ang isang malakas na sampal. “How dare you! Kahit ganito ako, wala kang karapatan na bastusin ako!” Pinagalitan niya si Pasha dahil sumusobra na kasi ito. Hindi porke’t nakatira silang dalawa sa isang bubong ay pwede na nitong pakialaman ang lahat ng kanyag mga kilos.
“Hindi kita binastos! Tinatanong lang kita, masama ba ‘yon?” Tinaasan ng boses ni Pasha si Audrey dahil nainis siya sa babae. Imbes na humingi ito ng paumanhin sa kanya, ito pa ang may ganang magalit.
“My God, Pash! Naririnig mo ba ang sarili mo? Tama ba naman yong tanungin mo ako kung nasarapan ako kanina? Pero dahil gusto mong malaman, sige sasabihin ko ang totoo. Oo! Nasarapan ako, may problem ba?” Dahil sa sobrang inis ay bahagyang gumaralgal ang boses ni Audrey habang pinagsalitaan ng masama si Pasha.
“Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo ngayon din!” Sinigawan ni Pasha si Audrey ngunit tiningnan lang siya nito ng masama.
“Bakit? Masakit bang pakinggan ang katotohan?” Hinamon ni Audrey si Pasha ngunit nang magsimulang mangilid ang mga luha ni Pasha sa gilid ng mata nito, hindi na rin niya napigilan ang kanyang sarili na umiyak at nilapitan si Pasha upang yakapin ito. “”I’m sorry, ikaw kasi.” Sabi niya sa babae.
Habang niyakap siya ni Audrey, hindi niya alam kung matawa ba o mas lalong magalit sa sinabi ni Audrey. Tuwing magkasagutan sila, lagi na lang na siya ang lalabas na may kasalanan. “Ayokong mawala ka sa akin, baby.” Sabi ni Pasha.
“Hindi naman ako mawawala, eh. Kahit na magpakasal kami ni Chad, ikaw pa rin ang may-ari nitong puso ko.” Tugon ni Audrey pero sa totoo lang hindi niya alam kung paano sasabihin kay Chad ang totoo na mas mahal niya si Pasha. Hindi niya alam kung paano ipagtapat sa lalaki ang tunay niyang kalagayan.
“Mag-ampon na lang tayo,” suhestiyon ni Pasha kasi hindi niya kayang isipin na muling makipagtalik si Audrey kay Chad, at kapag magiging asawa na nito ang lalaki, ano na lang ang magiging papel niya sa buhay nito?
“Ayoko,” sagot ni Audrey.