CHAPTER 6

1382 Words
Nanlumo si Pasha sa naging desisyon ni Audrey na ituloy ang pagpakasal kay Chad Hidalgo. Nagsumamo siya sa babae na huwag ng ituloy ang balak nito at magpabuntis na lang sa lalaki ngunit iginiit ni Audrey na magiging kawawa lang ang bata.             Pagkatapos nilang mag-away, nagtungo siya sa kabilang silid at doon na natulog. Hindi na rin siya sinuyo ni Audrey dahil alam naman nito na hindi pa sila magiging okey hangga’t kasali si Chad sa kanilang topic.             Kinaumagahan, tinanghali ng nagising si Pasha dahil nasobrahan siya ng alak bago natulog. Masakit pa rin kasi sa kanya ang naging desisyon ni Audrey kahit matagal na niyang alam ang balak nito. Naisipan niya sanang umabsent na lang muna ngunit kailangan niyang ihanda ang quarterly income tax return ng isa sa mga clients niya. Deadline na kasi sa mga susunod na araw at mayroon siyang higit bente na kliyente.             Nag-shower lang siya saglit, nag-toothbrush at nagbihis. Pagkatapos ay umalis na siya mula sa apartment. Nang binuksan niya ang kanyang cellphone, mayroong mahigit sampo na missed calls mula sa kanyang kuya. Hindi kasi siya umuwi sa kanila tulad ng sinabi niya matapos siyang ma-badtrip kina Audrey at Chad. Higit sa missed calls, may mga mensahe din mula sa kanyang kapatid at ang sabi pa ay umiyak raw ang kanilang ina dahil hindi siya sumipot sa bahay.             Pagdating sa kanyang ina ay sadyang malambot ang kanyang puso kaya imbes na dumiretso sa accounting firm, dumaan muna siya sa isang Korean mart upang bumili ng kimbap at tteokbokki.  Gurang na ang kanyang ina pero sobra ang pagkahilig nito sa mga Korean drama at naimpluwensyahan na rin ang mga hilig nito sa pagkain. Pati na rin ang kanyang ama ay nadadama na sa pinagagawa ng Mama niya, ganunpaman, mahal na mahal niya ito. Nagtext na lang kay Irene na mag-halfday na lang.             Pagpasok niya sa H-Mart, agad siyang nagtungo sa food section at namili ng kimbap. Pagkatapos ay nagpabalot rin siya ng tteokbokki. At total ay nasa tindahan na naman siya, naisipan ni Pasha na lubos-lubusin na lang ang pamimili. Bumili na rin siya ng mga ramen at soju. Pati pang-samgyupsal na karne ay kumuha na rin siya.             Matapos bayaran ang pinamiling grocery, pumara siya ng taxi at nagpahatid sa kanilang bahay. Hindi naman gaanong malayo ang kanilang bahay na nasa Magallanes Subdivision ngunit kapag alas-nwebe na kasi ay sobrang traffic na sa daan.             Mahigit trenta minutos din ang kanyang ibiniyahe mula Colon patungong Capitol. Nang huminto ang taxi sa tapat ng kanilang bahay, medyo kinabahan si Pasha. Ilang buwan kasi siyang hindi nagpakita sa kanyang mga magulang dahil nagrebelde siya. Bihira na lang kung uuwi siya sa kanila simula noong inayawan ng kanyang magulang si Audrey.             “Keep the change na lang po,” sabi ni Pasha matapos ibigay sa driver ang dalawang-daan na buo. Nasa mahigit one hundre fifty din kasi ang itinakbo ng metro.             “Salamat po, Ma’am.” Sabi ni Manong Driver bago ito umalis.             Malakas ang kaba sa kanyang dibdib habang pinindot ang doorbell sa labas ng gate. Ilang minuto rin siyang nakatayo sa labas bago narinig ang mga yapak ng sinuman na magbubukas sa gate. Paranoid kasi ang Papa niya noon kaya nagpagawa ito ng gate na sobrang taas na halos ang bubong na lang ng kanilang bahay ang makikita sa labas.             “Pash!”             “Kuya,” sagot ni Pasha sa lalaking nagbukas ng gate. Simula nang dumating ito mula sa ibang bansa ay hindi pa sila nagkita. Ganun siya kasama! “Akala ko ba ay nakaka-pogi kapag sa ibang bansa nagtatrabaho, anong nangyari sayo?” Pabiro niyang tinanong ang kanyang kuya.             Bilang ganti sa babaeng kapatid, binatukan ni Jether si Pasha. Sumusobra na rin kasi ito sa panlalait sa kanya. “Hindi lang mas lalong gumandang-lalaki ngunit mas lalo pang yumaman,” ganti ni Jether habang ibinida sa babae kung magkano ang cash balance niya sa bank.             “Kung totoo na mayaman ka na, ibili mo ‘ko ng bagong kotse,” hinamon ni Pasha ang kanyang nakakatandang kapatid.             “Sus, kotse lang pala. Gusto mo, ngayon na?” Tinanggap ni Jether ang hamon ni Pasha ngunit sa totoo ay balak talaga niyang ibili ito ng bagong kotse.             “Maniwala ako sayo, puro ka naman hambog, eh!” sabi ni Pasha at saka inirapan ang kapatid matapos nitong isarang muli ang gate.             “Hambog daw, tanungin mo pa si, Mama.” Sabi naman ni Jether. “Alam mo ba kung ilang balde ng luha ang iniyak ni Mama dahil hindi ka sumipot sa usapan kagabi? Nag-effort pa naman siyang ipagluto ka,” kinunsensya ni Jether si Pasha.             “Ang echusera mo pa rin, ano? Kailan ka ba aamin sa kanila na isa kang bading?” Pabulong na hinamon ni Pasha si Jether. Noon pa man ay alam na niyang bukod-tangi ang kanyang Kuya Jether.             “Shhhh, ano ka ba? Baka marinig ka ni Papa,” sinaway ni Jether si Pasha dahil ayaw niyang atakihin sa puso ang kanilang ama. “Kung hindi mo pa kasi ako inunahan noon, sana’y nasabi ko na sa kanila ang totoo,” sinisi niya si Pasha. Epal kasi ito noon, eh!             “Malay ko ba na may balak ka ring umamin,” sagot ni Pasha.             “Kahit kailan ay panira ka talaga ng buhay ko, Pash.” Sinisi ni Jether si Pasha.             “Aba, tungkol pa ba ito sa pagiging bading mo, o tungkol kay Caitlyn? Nag move-on na ako, kaya ikaw rin sana.” Paalala ni Pasha kay Jether.             “May sinabi ba akong ganun? Ang gusto ko lang namang sabihin ay dahil sayo, hindi na nagluto si Mama ngayong araw. Simula kagabi ay ganun pa rin ang ulam sa kusina, ikaw kasi, eh!” Nanggigil si Jether na tirisin ang babae.             “Masarap naman magluto si Mama,” giit ni Pasha.             “Masarap na kung masarap pero nakakaumay na kasi,” sabi ni Jether, ngunit nang papasok na sila sa bahay ay sinenyasan niya si Pasha na tumahimik na muna at mag-observe.             Pasha rolled her eyes at Jether because he didn’t have to remind her. Alam niya naman kung ano ang dapat gawin upang hindi sila mapahamak pareho. “Nasaan si Papa?” Tinanong ni Pasha si Jether nang makapasok na sila at hindi niya nakita ang ama sa paborito nitong tambayan.             “May bibilhin lang daw saglit,” sumagot si Jether.             Tumango lang si Pasha ngunit nang makita ang ina sa sala, kaagad siyang tumakbo papunta sa ginang at niyakap ito ng mahigpit. “Mama!” sabi niya sa kanyang ina, ngunit imbes na sagutin siya ay binatukan siya ng kanyang ina.             “Ano’ng nangyari at hindi ka natuloy kagabi? Nag-effort pa naman ako!” litanya ng ina niya.             “Sorry na, may nangyari lang kasi sa apartment. Heto o may dala akong peace offering para sayo,” sabi ni Pasha habang nakanguso.             “Akin na nga ‘yan,” hinablot ni Judith ang dalang plastic bag ni Pasha at saka tiningnan kung ano ang nasa loob nito. “Oy, may soju at samgyupsal!” Natuwa nitong sabi nang makita kung ano ang laman ng plastic bag.             “Paborito mo lahat ‘yan,” sabi ni Pasha.             “Sus, ang galing mo talagang mambola. Oy ikaw Jether, gayahin mo naman si Pasha. Tingnan mo at nawala kaagad ang galit ko sa kanya,” tugon ni Judith.             “Mama naman, eh! Bakit ba kasi kailangan mo ng big bike? Baka mapaano ka pa sa mga plano mong ‘yan!” Sumagot si Jether.             “Ang astig kasi,” sabi ni Judith.             “Astig? Eh mahigit singkwenta ka na, tapos magbi-big bike ka pa? Diyos ko naman, Ma. Baka ma-tulfo pa kaming magkapatid dahil pinabayaan ka namin.” Paalala ni Jether sa ina ngunit inirapan lang siya nito. “Pash, ikaw na nga ang kumausap kay Mama! Daig pa ang bata sa katigasan ng ulo, eh!” Sumuko si Jether sa pagpaliwanag sa kanyang ina na sa edad nitong singkwen ay hindi bagay ang big bike.             “Bakit big bike, Ma?” Tinanong muna ni Pasha ang kanyang ina.             “Hindi ba pwede? May age limit ba?”             “Wala naman, kaya lang ay baka ma-inlab ka sa isang binatilyo kapag naka big bike ka na.” Biniro ni Pasha ang kanyang Mama.             “Problem aba ‘yon? Eh maganda pa naman itong ina mo, at may asim pa!” Giit ni Judith.             Natawa si  Pasha sa sinabi ng ina ngunit hindi na mahitsura ang pagmumukha ni Jether. “Tama! Mas maasim pa nga kaysa sa suka, eh!” Sabi pa ni Pasha.             “Hayyys, mag-ina nga talaga kayong dalawa!” Napakamot na lang sa ulo si Jether habang iniwan ang dalawang babae sa sala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD