CHAPTER 7

1177 Words
“Bakit ngayon ka lang?” Tinaasan ng boses ni Chad ang kararating lamang na si Pasha. Kanina pa kasi ito hinanap ng kanilang kliyente ngunit hindi niya mahagilap ang babae. Alam niya na flexible ang schedule ng kanyang mga tauhan ngunit kailangan na laging nakabukas ang mga cellphone nito tuwing office hours.                 “Nagtext naman ako kay Irene kanina,” nagpaliwanag si Pasha.                 “Bakit? Si Irene ang boss mo? Bakit hindi ka sa akin nagtext?” Galit na tinanong ni Chad si Pasha.                 “Ano ba ang gusto mong palabasin? Na pabaya ako sa trabaho?” Sinagot ni Pasha si Chad. Una sa lahat, badtrip pa rin siya sa lalaki. Ikalawa, halfday lang siya nawala at lahat naman ng kailangang tapusin ay nasa schedule pa rin siya. Pangatlo, wala na ba talaga siyang karapatan na mag-halfday kahit wala siya sa mood na magtrabaho?                 “May sinabi ba akong ganun? Ang sa akin lang ay magpaalam ka ng maayos!” Dagdag pa ni Chad.                 Tumaas ang kilay ni Pasha dahil parang pinipersonal na kasi siya ni Chad.“May problema ka ba sa akin?’                     Natigilan si Chad sa naging tanong ni Pasha. “Wala,” sabi niya at tinalikuran ang babae.                 Hindi nagustuhan ni Pasha ang sinagot ni Chad sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay may issue talaga sila si Chad sa kanya. May alam kaya ito tungkol sa kanila ni Audrey? Namutla siya bigla sa kanyang inisip. “Kung wala ka ng sasabihin sa akin, kailangan ko ng magtrabaho.” Sabi ni Pasha.                 Hindi sumagot si Chad at bumalik sa kanyang opisina. Nang makapasok na siya, sandali niyang tinanong ang kanyang sarili kung bakit nakaramdam siya ng pagkainis kay Pasha. Pagdating niya sa opisina kanina ay kaagad niyang hinanap ang babae at nang malaman niyang nag-halfday ito mula kay Irene, hindi siya napakali at palaging hinanap ang babae.                 Panay ang pagbuntonghininga ni Chad habang sinubukan niyang kontakin si Audrey. Simula kasi nang hinatid niya ito malapit sa tinitirhan nitong apartment, hindi pa ito nagparamdam sa kanya.Nang hindi niya makontak si Audrey, tumigil na siya, at muling itinuon ang kanyang atensyon sa ni-review na financial report.                 Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nakaramdam siya ng pagka-inis kay Pasha. Wala naman kasing ginawang masama ang babae sa kanya maliban sa pang-iistorbo nito sa kanila ni Audrey kahapon. Pagdating sa trabaho ay wala rin siyang masabi kasi magaling si Pasha.                 Nabwisit lang talaga siya sa ka-epalan nito kahapon.                 Pagsapit ng uwian, napansin niya na bakante ang mesa ni Pasha. “Umuwi na ba siya?” Tinanong niya si Irene na kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit at pauwi na rin.                 Sandaling tumigil si Irene sa kanyang ginawa at sinagot si Chad. “Alam mo, kanina ko pa napapansin na palagi mong hinanap si Pasha. May gusto ka ba sa kanya?”                 “Excuse me? At ano naman ang magugustuhan ko kay Pasha Macaraeg? Maganda lang siya pero hindi ko siya type,” sabi ni Chad.                 “Sus, ayaw pang umamin eh halata naman. So, nagagandahan ka rin sa kanya?” Biniro ni Irene si Chad, ngunit hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang biro at nilagpasan siya. “Hoy Chad, pa-hitch naman ng ride pauwi sa bahay!” Tinawag niya ito ngunit hindi siya nilingon ng lalaki. Ganunpaman, hinabol niya ito.                 “Bibigyan na lang kita ng pangtaxi,” sabi ni Chad nang maabutan siya ni Irene.                 “Ayoko nga, may pera naman ako, eh! Mas gustko ko sumakay sa kotse mong ubod ng bango,” kinantyawan pa ni Irene si Chad. “May lakad pa kasi ako, bakit ba ang kulit mo?” nainis na tinanong ni Chad si Irene. “Makulit kaagad? Hindi ba pwedeng namiss lang kitang maging driver?” Sumagot si Irene. “Driver? Ang pagmumukhang ‘to ay gagawin mo lang na driver? Hoy, Irene, mahiya ka naman sa akin. Sumosobra ka na,” binalaan niya ang babae. “Sige, titigil na. Saan ba ang lakad mo?” Inusisa ni Irene si Chad. “Wala ka na dun, at please lang, huwag mo na lang akong tanungin dahil wala ako sa mood!” Sabi ni Chad. “Alam mo, ang arte-arte mo ngayon! Dinedma ka lang ni Pasha, naging ka na.” Sabi ni Irene, ngunit bago pa man siya masabunutan ni Chad, umiwas na siya. “Kung hindi ka pa titigil ay talagang wala ka ng trabaho bukas!” Tugon ni Chad. “Hmmm eh di magtayo na lang ako ng sarili kong firm,” sagot ni Irene. “Ah kung ganun, magkalimutan na rin tayong dalawa.” Binantaan ni Chad si Irene. Normal na sa kanilang dalawa ang magbangayan pero biro lang ang lahat. Higit pa sa pagiging magkaibigan lang ang kanilang relasyon dahil partner niya ang babae sa negosyo. Sekreto lang ang kanilang pagiging kasosyo dahil ayaw ni Irene na malaman ng kanyang asawa ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Sa dinami kasi ng pwede nitong pakasalan, nation pa si Irene sa isang manloloko. “Bumili ka na kasi ng bagong sasakyan,” suhestiyon ni Chad sa babae. “Para ano? Para gamitin lang niya sa kanyang pambababae? Huwag na oy! Damay-damay na kami sa pagko-commute,” sumagot si Irene. “Kung bakit ba kasi ayaw mo siyang hiwalayan,” sabi ni Chad. “Kawawa naman kasi yong mga bata kapag lumaki na walang ama,” nagdahilan si Irene kung bakit hindi niya magawang hiwalayan ang kanyang asawa. “Sus, kunwari ka pa, eh halata naman na mahal na mahal mo siya.” Sabi ni Chad. Lagi niyang sinabi sa kanyang sarili na ang mga bata lang talaga ang dahilan kung bakit hindi niya kayang iwanan ang lalaki, pero noon pa man ay duda na rin siya sa kanyang sarili. “Obvious ba?” Tinanong niya si Chad. Malakas na bumuntonghininga si Chad dahil hindi niya naintindihan si Irene. “Ewan ko sayo, niloko ka na nga, kinikilig ka pa.” “Sorry na, pero hindi ko yata kaya na wala siya.” Umamin rin siya saw akas. “Di bale na, basta ang importante, huwag kang magpakatanga pagdating sa pera kasi kawawa ang mga anak mo.” Muling pinangaralan ni Chad si Irene. “Syempre naman. Bobo lang ako sa pag-ibig, pero pagdating sa mga anak ko, hindi ko pwedeng ipagsapalaran ang kanilang kinabukasan.” Sabi ni Irene. “Mabuti naman kung ganun,” tugon ni Chad. “Teka nga pala, may nabanggit ba si Pasha sayo kung may boyfriend na siya?” “Sabi ko na nga ba at may gusto ka sa kanya,” sabi ni Irene. “Mali ang iniisip mo,” giit ni Chad. “Sus, palusot ka pa. Hayaan mo at ako ang magiging spy mo kay Pasha.” Sabi ni Irene. “Wala talaga akong gusto sa kanya,” giit ni Chad. “Sabi mo eh, o siya, sige na at salamat sa paghatid.” Sabi ni Irene nang iparada ni Chad ang  sasakyan malapit sa entrance ng tinitirhang subdivision. “Walang anuman, regards mo na lang ako sa mga inaanak ko.” Sabi ni Chad at hinintay nya munang makapasok sa subdivision ang kaibigan bago pinaharurot ang sasakyan paalis. Dumiretso si Chad sa gym na pagmamay-ari ng kanyang pamilya kasi bigla na lang niyang na-miss ang kanyang mga kapatid. Simula kasi nang magtayo siya ng accounting firm, bihira na lang kung makakauwi siya sa bahay. Gaya ng dati, affordable pa rin ang rate sa kanilang gym. Kayang-kaya kahit sa mga estudyante pa lamang. Pagpasok niya sa gym, mukha ni Jether ang una niyang nakita at paulit-ulit siyang kumurap upang makasigurado. “Jet…,” ibinulong niya sa hangin ang pangalan ng lalaki na noon pa man ay gusto na niyang makitang muli.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD