Twelve years ago… Bakasyon pa lang ay sobrang excited na si Jether para sa darating na pasukan. Magkokolehiyo na siya at parang nakikita na niya ang kanyang sarili bilang isang mahusay na Electrical Engineer. Iniidolo kasi nya ang kanyang tiyuhin na sa edad na trenta y singko ay single pa rin. Hindi ito kasing gwapo ng mga artista ngunit habulin ang lalaki ng mga magagandang binibini. Bukod sa pera, babae po talaga ang mas lalong naghatak kay Jether upang maging isang inhinyero. Nang dumating ang araw na pinakahihintay ni Jether, para siyang tanga na nakatingala sa building ng kanyang magiging paaralan. Actually, kagabi pa siya aligaga sa paghahanda para sa pagbukas ng klase. Bago natulog, inayos nya muna ang mga damit na kanyang susuotin, nilinis ang paboritong sapatos, at inilabas ang