Nagising ako mula sa nakakatakot na bangungot, Pangalawang beses ko nang napapanaginipan ito Yung panaginip na mag e-end sa .... Namatay ako? Bumaba ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig saka nag muni muni, lumabas ako at dumeretso sa garden namin at naupo, Hindi ko parin lubos maisip, Pang ilang beses ko nang napapanaginipan yun, yung time na mamatay ako. pero bakit? "Yvaine" "Ay pusang gala!" Sigaw ko nang makarinig ako ng isang tinig "Anong oras na ah? Delekado dito sa labas" Sabi ni Fairy Soul saakin at saka ito lumapit "Eh ikaw ate? bakit ka nandito?" tanong kong pabalik sakanya "Binabantayan kita" sabi nito "Bakit?" tanong ko "Basta" "Dahil ba malapit ako sa kapahamakan?" tanong ko "Hindi sa ganun---" "Ilang beses na akong nananaginip na mamatay ako, ate!" Sigaw ko