Yvaine's P.O.V "Hiro, Bakit ba ako hinahabol ng aksidente?" Tanong ko kay Hiro Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa room, kakatapos lang ng nangyare kanina kaya ayan tuloy masakit ang likod ni Hiro "Dahil mauulit ang nakaraan sa kasalukuyan, Re incarnation tayo kung baga" sabi nito habang hawak hawak pa ang kamay ko "Hilig mong hawakan ang kamay ko kahit pasmado eh ano?" Malamambing kong sabi sakanya saka ngumiti "Syempre, kahit waterfalls pa yan, hinding hindi ko yan bibitawan" sabi nito saka ngumiti rin saakin "Si Ara at Bella. Parte ba sila ng nakaraan ko?" Tanong ko dahil baka nakakakita rin ako ng multo dati diba? "Hindi ko lang alam. Wala ka bang napanaginipan na hawig nila?" Tanong ni Hiro saakin Inalala kong mabuti ang bawat detalye ng mga mukha sa panaginip ko per