Naging napakasaya ang buong pamilya ng tuluyan ng lumakas si Leslie at ang mga anak nila. Iniuwi na nila ito sa bahay ng mga magulang ni Leslie. Sa bawat sandali ay pinupuno ng kasiyahan ni Jayson ang kanyang kabiyak, pinapadama niya dito ang kanyang pagmamahal. Simula ng magsilang ito ng kanilang mga anak hindi na ito muling inatake ng matinding paghihirap sa sakit nito. Naging masiglahin na ito at bibihira na rin ito kung lagnatin. Labis-labis ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal dahil hindi sila nito pinababayaan. Patuloy pa rin ang regular na check up nito, maging ang Doctor nito ay nagtataka dahil maihahalintulad na daw sa normal si Leslie, animo wala itong iniindang sakit. Kaya naman nagpasya silang mag-asawa na magbukod na dahil na rin sa kagustuhan ni Leslie na magampanan an