"Dyosko, gabayan nyo po sana ang aking asawa. Iligtas nyo po sana siya sa kung anumang kapahamakan, maging maayos po sana ang kanyang panganganak," piping panalangin ni Jayson habang naluluha. Ilang saglit lang at nasa harap na sila ng ospital. Agad na pinangko niya ang hinang-hina ng si Leslie at mabilis na nagtungo sa loob. Inasikaso naman agad sila ng doctor nito. Pinagsuot din siya ng hospital gown ng doctor para sumama siya sa loob. Ayaw sana ng doctora pero dahil nga sa kalagayan ni Leslie kaya napapayag din niya ito. Makailang beses umire si Leslie, ngunit parang wala itong lakas. Hirap na hirap ito na animo anumang oras ay mawawalan ng malay tao. "Hija, lakasan mo ang pag-ire kailangan mong tulungan ang sarili mo para maayos mong mailuwal ang anak mo," nag-aalalang sabi ng