"Goodluck friend!" hiyaw ni Diane habang pabalik kami sa office. Breaktime kasi at naisipan namin sa labas na lang kumain, para mas makapag usap ng maayos tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko nga inakala na may ganoon palang past si Diane. Isang beses na niyang naikwento 'yon, pero hindi ako naniwala dahil sobrang nakakabigla 'yon. Isa pa, madalas nagloloko rin ito sa mga kwento niya. Tsaka si Reyven, namukhaan ko na siya. Pero ngayon na nakita ko na talaga na ganoon ang nangyari sa kanila, parang gusto kong ilagay sa bulsa ko para lang wag ng masaktan ang kaibigan ko. "Salamat." sabi ko at hinagod pa ang dibdib ko oag sakay namin sa elevator. "Kinakabahan nga ako, dahil kasabay ko na naman nagpasa ng manus si Julia. Alam mo naman na sikat na 'yon, marami ng fans." "Naku! Aminin na