Thirty one Magkatulong kami ni Diane na inayos ang mga pinadalang gamit ni Eugene. Yung nga sofa, tv ant computer. Gusto ko sanang tawagan si Eugene tungkol sa mga gamit na ito, pero kasi ng makita ko kung gaano kasaya si Diane, lalo na sa tv. Dahil wala silang tv walang napapanooran at libangan ang mga bata ay hindi ko na lang ginawa. Okay na ito, isa pa, kay Diane niya igo binigay, hindi sa akin. "Itong computer dito na lang?" tanong ko sa kanya. Nasa gilid na kasi ng tv iyon, at sakto naman ang sukat ng pwesto doon. Palagay ko ay okay na ito dito. "Oo, diyan na lang 'yan." sabi niya habang iniipon ang mga plastic na tinanggal niya sa sofa at sa upuan ng computer. "Ako na mag lalabas niyan," sabi ko sabay kuha doon sa hawak niyang karton. "Diyan mo lang ilagay sa gilid ng gate,