Thirty. Wala pa si Diane ng makarating kami doon, pero kahapon ay binigyan na niya ako ng susi. Kaya ayun ang ginamit ko pang bukas ng gate at pinto. "Diyan mo na lang 'yan." turo ko sa kanya sa may tabi ng monoblock. Dun ko na lang pinalagay ang dalawang maleta ko at ang cool man naman ay nasa kusina na. Pati ang jollibee. Hindi na ganon kakalat ang bahay ni Diane kumpara kahapon. Maayos na ito, though wala pa gaanong gamit. "Salamat." sabi ko sa kanya. Matagal niyang nilibot ang paningin sa paligid. At nang tumitig siya sa akin, ay mata ko naman ang hindi mapakali. Parang mas lalo kaming naging awkward sa isa't isa, o ako lang? Nasiguro ko na ako lang ang nakakaramdam nung hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa akin ng kaunti. "Later, sunduin kita. Sabay tayo mag dinner." mal