THIRTY FIVE TUESDAY na at pangalawang araw ko na itong tinataguan si Eugene. Nahihiya kasi ako. Hindi mawala sa utak ko yung nangyari sa amin, nag lilinger pa rin hanggang ngayon. Para bang kanina lang nangyari iyon. Narito ako ngayon sa Falco building 4rth floor. Nag pasa kasi ako manuscript ko ngayon. Tapos ko na siyang iedit. At ngayon, kalalabas ko lang sa building. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ala singko na ng hapon at medyo gutom na rin ako, pero ayoko naman kumain. Iniisip ko kung saan pwedeng tumambay muna. Busy kasi si Diane ngayon, kumukuha siya ng permit. Yung mga bata naman, iniwan niya sa mama niya. Kaya kung uuwi ako, wala rin akong makakausap. Huminga ako ng malalim ng muling tumunog ang cellphone ko. Paniguradong si doc 'yon. Kanina pa 'yon tumatawag sa akin