Chapter 33

1936 Words

Edna Sa halip na tumingin pa ako sa ibang shop ay mas ginusto kong lumabas na ng mall. Hawak ko sa magkabilang kamay si Maria at Jehan habang papalabas. Ramdam kong nakasunod pa rin ang mga bodyguard. Tungkol kay Jethro ay hindi ko alam kung susunod pa siya o magpapa-iwan pa kasama si Mark. Ramdam ko ang sakit sa aking puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ngunit aminado ako na may bahagi ng utak ko ang apektado dahil sa mga sinabi ni Mark. Maari bang sa loob ng tatlong taon ay naglilihim ito sa akin? Ngunit papaano? Baka naman ang akala kong ginugugol nitong oras sa trabaho ay hindi pala doon nakalaan kung hindi sa babae niya. "Mama, why are you crying po?" Narinig kong tanong ni Jehan dahilan para magulat ako. Kinapa ko ang aking pisngi at gano'n na lang ang pagpilit ko sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD