Edna Naging tahimik at payapa ang aking paninirahan sa bahay nila Tatay Pepe. At habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong lumalaki ang umbok ng aking tiyan na lubos kong ikinagagalak. Wala akong dalang gamit ngunit wala naman naging problema dahil may mga naiwang gamit ang Nanay ni Maria at iyon ang pinagamit nila sa akin. Walang araw na lumipas na nakaramdam ako ng lungkot at pangungulila, hindi tulad ng mga araw na kasama ko siya. Sana lang ay hindi na magbabago pa ang ganito dahil gusto ko na lamang manatili sa ganitong pamumuhay. Masarap tumira sa bundok na malayo sa mga taong mapanakit at mapang-husga. Wala akong nagiging problema sa mag-ama dahil talagang mabait at napakabuti ng kanilang kalooban. Buong puso nila akong tinanggap at hindi hinusgahan. Nagawa kong i-kwento sa