Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Malas ba talaga ako para maranasan ang lahat ng ito? Pakiramdam ko ay kahit saan ako magpunta ay nagdadala ako ng malas sa iba. "Ikaw ba si Maria, ang anak ni Pepe?" Rinig kong tanong ng lalaki kaya naalarma akong tumingin sa kanya. Umiling ako ng umiling habang nagmamakaawa ang aking mga mata. "Hija, kailangan niyang malaman ang totoo," saad nito na tila ba naunawahan ang ibig kong ipahiwatig. "Ano pong totoo? Teka, saan si Tatay? Naka-uwi na ba siya?" Magkakasunod na sambit ni Maria. Mas lalo akong napa-iyak nang makita ang mga ngiti nito. "Alam ko na! Nasa likuran na si Tatay at nagdidilig na ng kanyang mga pananim ," masayang dagdag ng bata. Akmang aalis na siya para sana puntahan ang likuran ng kanyang kubo ngunit natigilan ito nang