Edna "Ate umuulan na naman," sambit ni Maria. Puno ng pag-aalala at pangamba ang kanyang tinig. Sandaling tumila ang ulan kaya napagpasyahan kong lisanin na ang kubo. Ngunit nang medyo nakakalayo na kamk sa kubo ay saka naman nagsimulang pumatak ang ulan. Ang kaibahan lang ay wala na ang malakas na hangin. "Bilisan mo maglakad, Maria. Ķailangan natin maghanap ng masisilungan bago pa man lumakas ang ulan," sagot ko. Tumango ang bata at saka ito sumunod sa akin. Malayo ang bayan kaya talagang malayo ang lalakarin namin. Walang sasakyan na pumapasok doon dahil makitid ang daan at malayo pa iyon sa malaking kalsada. Maging ang sementadong kalsada ay hindi pa naman nararating kahit na hinihingal na kami. Kaunti lang ang dinala naming gamit dahil kakailangan din namin ng tubig at pagkain