Edna "Get in," aniya. Binuksan nito ang pintuan sa front seat pero umiling ako. Wala akong pakialam kung naiinis na ito dahil s pagmamatigas ko. Bahala siyang magalit, hindi na ako natatakot sa kanya. "Hindi ako sasakay diyan," matigas na turan ko. Narinig ko siyang napabuntong hininga. Pero sa halip na pumasok sa front seat ay binuksan ko ang nasa likuran kung saan pumasok si Maria at doon ako umupo. "What do you think are doing? I'm a not your f*cking driver for d*mn sake, Edna," naiinis na saad niya. Matalim ko siyang tinignan at saka inirapan ito pagkatapos dahilan para mapamura siya. "Wow! Just wow! I can't believe this is f*cking happening," bulong nito. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang iparinig iyon sa akin o hindi. Mahina lang kasi niya iyon sinabi, iyong tipong hindi ko