Nakita na ni Paris ang ngiting iyon. Ngiti na waring nabuhayan ng pag-asa. Nang makita nila ang nangyari kanina pareho silang hindi nakagalaw na magkapatid. Natulala habang ang katawan ni Van ay duguan na bahagya pang gumagalaw. Nang matauhan saka sila dali-daling lumapit dito. "I-m s-orry, P-aris! Please be happy w-ith Belle! Mahal ko kayo nila M-ommy!" ngumiti ito saka unti-unting ipinikit ang mga mata. This is not happening, kung panaginip man ito sana magising na sila. "I'm sorry, hindi ko sinasadya!" umiiyak na sabi ng babae. Nang lingunin nila ay gulat na napatitig kay Tanya na halata ang takot sa kanyang mukha."Hindi ko sinasadya na gulat ako!" tulirong sabi nito. Mabilis na lumapit si France at niyakap ito. Alam nilang 'di nito iyon sinasadya pero nangyari na. --- "Isasaboy