“Pag-usapan na lang natin ‘yan sa susunod, okay?” mahinahong tugon ni Bop sa kanyang nobyo. Alam niyang naglalambing lang ito ukol sa nude picture niya. Kahit paano ay alam niyang hindi naman ito namimilit. Kahit na may video siya sa halip na picture lang, hindi niya iyon ipapadala sa kabila ng pag-transfer niya sa file sa laptop niya. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at inilipat niya pa iyon sa laptop? Parang sa loob-loob niya ay gusto niyang ipadala iyon sa binata para naman… Bigla siyang napatigil sa pag-iisip. ‘Para ano, Bop? Ipakita mo sa kanya ang kamanyakan mo? Eww! Ano na lang iisipin niya? Kahiya ka talaga!’ Napangiwi siya sa sarili. Pumunta siya sa document folder kung saan iyon nakalagay para i-delete. Naka-highlight na ang file nang biglang nag-freeze ang kanyang laptop

