Chapter 33

1363 Words

“Nakausap ko si Beatriz sa telepono,” sabi ni Juan kay Junrel. Itinukod ng binata ang siko sa kanyang tuhod at napahilamos sa kanyang palad. “At ano naman ang napag-usapan n’yo, Papa?” “Sinabi niya sa ‘kin ang lahat-lahat tungkol sa inyong dalawa at sa babae mo.” He snorted at his father’s word choice. “Babae ko?” alunignig niya. “It’s not like I’m having an affair while I’m in an exclusive relationship, Papa! Wala na kami ni Beatriz hindi pa man ako pumunta sa Pilipinas. So don’t make it sound like I’m cheating on my ex! Girlfriend ko ang tinutukoy n’yo ngayong babae ko!” Nagbabaga ang berdeng mga mata ng binata na nakatingin sa light brown na mga mata ng ama. Alam na alam niyang tila nakatitig ito sa kanyang ina ngayon dahil sa pareho sila ng kulay ng mga mata ng inang namayapa. Sinab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD