Nakamaang pa rin si Bop nang tinapos niya ang usapan nila ng kanyang nobyo. ‘Ano raw? Magse-send ako sa kanya ng nude pic ko?’ sigaw ng isip niya at hindi man lang narinig ang tanong ng kanyang kliyenteng Hapon. Nasa Fort Santiago sila pagkatapos nilang kumain sa isang restoran. Ito yaong pinakansela niyang tour kahapon. Dahil wala naman siyang naka-book na tour sa araw na ito kaya ngayon na niya nagawa samantalang nasa ospital pa ang mag-asawang Watanabe. Tumikhim ang Hapon at nagtanong muli sa kanyang nakatayo sa may reconstructed main gate ng Fort Santiago. “A-ah. Gomen’nasai, nani datte (I’m sorry, what was that)?” “Could you take my picture over here?” tanong ng Hapon na tumayo sa gitna ng gate. “Sure!” ang sagot niya at tinanggap ang mamahalin nitong camera saka kinunan ito n

