Chapter 31

1392 Words

“Baka hindi ang Hapon na kliyente n’yo ang pakay ng taong iyon kundi ikaw, Miss Tomimbang,” dagdag na teorya ng pulis. “Ha? At bakit ako?” takang tanong ni Bop sa pulis na itinuro pa ang sarili. “Wala ba kayong namalayang may sumusunod sa inyo o ano?” dagdag na usisa ng pulis. Umiling naman siya. “Wala naman po. ‘Tsaka bakit ako ang puntirya, eh wala naman akong… kaaway?” Medyo humina ang boses niya sa huling salita. ‘Wala nga ba? Pero sino? Wala naman akong tinapakang tao.’ Ayaw niyang isiping meron dahil hindi naman sa self-righteous siya kundi ay wala naman talaga siyang maisip kung sino ang puwedeng may galit sa kanya at gustong mamatay na siya. Kahit sa maliit niyang negosyo ay wala naman siyang nilabag. Matino siya pagdating sa taxes. Kahit wala yatang koneksyon sa gobyerno ay im

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD