Chapter 30

1144 Words

Naging madrama man ang kanilang paghiwalay sa airport ay naging matatag sina Bop at Junrel. “Will you see me even for just a few days of vacation?” ang tanong ni Junrel kay Bop. Nagsusumamo ang berdeng mga mata nito na tila ikakatunaw ng puso ng dalaga. “Kung hindi ka na busy,” pangako naman niya sa binata at kahit papaano ay batid niyang masaya ito sa kanyang sagot na iyon. “Señor Presidente, nakahanda na po ang Airbus mo at tapos na ang lahat na dokumento para makaalis na tayo,” ang saad ni Graciela nang walang ekspresyon sa mukha. Tumango ang binata at pinauna na nito ang babae sa eroplano. Agad itong tumalima nang sinulyapan si Bop. Niyakap naman siya ng lalaki nang sobrang higpit at muling hinalikan nang masuyo na parang ayaw na siya nitong pakawalan pa. “Bop, querida mía…” Paran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD