Totoong naunang umalis si Beatriz at hindi nga nila ito nakita pa sa umagang iyon. Sinabi lang ni Javier sa prime minister na wala na ang ex-fiancée nito dahil nauna nang bumalik sa Manila at tutulak na ng Spain kasama ang sarili nitong bodyguard. Pumunta naman sila ni Bop sa ibang tourist spots sa Baguio sa umaga, nananghalian sa isang restoran at ngangabayo sila kinahapunan. Tiniis lang nito kahit na masakit sa pakiramdam ang pangangabayo at sobra ang kanyang concern. Gusto rin kasi nito na makasama siya nang ganoon. Ang mga bodyguards naman niya ay nasa distansya lang upang magkaroon sila ng kahit kaunting privacy ng dalaga. Iyon ang iniutos niya kay Javier at sa iba. Para sa kanya ay ito ang first real date nilang dalawa ng katipan. Ngunit nakalulungkot namang isiping iiwan niya it

