Chapter 28

1582 Words

Hindi pa man nakapagmulat ng mga mata si Bop ay napangiwi na siya dahil sa sakit na naramdaman sa buong katawan, lalo na sa pinakagitnang bahagi nito. Hindi niya akalaing magdamag siyang angkinin ni Junrel. Siya namang marupok ay sige nang sige. Gusto niya rin naman kasing maging memorable ang gabing iyon para sa kanilang dalawa. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang mapagtantong wala silang proteksyong ginamit ng nobyo niyang prime minister. Napatutop siya sa kanyang bibig at marahang napatingin sa tabi niya. ‘Eh, maano naman kung mabuntis ako? Mahal ko naman siya at sigurado akong makakaya kong palakihin ang bata kahit na mag-isa lang ako,’ sa isip niya. Napatitig siya sa lalaking nakatagilid na nakahiga paharap sa kanya at kitang-kita niyang hubad ito katulad niya. Napakurap-kurap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD