Chapter 27

2611 Words

Agad na nagkagulo ang mga insektong nasa puson ni Bop nakatira. Halos hindi siya makahinga nang dahan-dahang inilapit ni Junrel ang mukha sa kanya at napapikit siya ng mga mata. Parang mabibingi siya sa sariling pintig ng kanyang puso at tila humihiyaw ito sa tuwa nang lumapat ang labi ng binata sa labi niya. Katulad noong una ay banayad iyon. Ang nakakuros niyang mga braso ay kusang umangat para ilapat ang mga kamay sa matipuno nitong dibdib. Ramdam niya ang malakas na pagpintig ng puso ng binata habang hinahalikan siya at tinugon naman niya ang bawat paggalaw ng labi nito. Ngayon niya lang napagtantong tila pinaghalong cinnamon at mint ang lasa nito. Ang sarap tikman at namnamin. Napatanong siya sa sarili kung ganito ba palagi ang lasa nito pero siguro naman ay matitikman niya ito ulit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD