Napatikom tuloy si Bop ng kanyang bibig pero nakangiti pa rin. Hindi naman ito nagpatalo habang lumamlam pang lalo ang mga mata ni Junrel. Banayad siya nitong hinawakan sa batok at marahang idinampi ang mainit na labi sa kanya. Napapikit ng mata si Bop at tinugon ang halik na iyon ng binata. “I love you, Bop,” mahinang bulong ng binata bago siya pinakawalan upang buksan ang pinto. Tila nanghihina ang tuhod ng dalaga at napabuntong-hininga siya samantalang malakas ang pagtahip ng kanyang dibdib. ‘Shet… ang sarap pala ng halik niya kahit napakaiksi lang!’ Nanghihinayang talaga siya. Gusto niya pa sanang laliman ang halik na iyon at nang mas matikman pa ang mga labi nito. Kaya lang ay nagpatuloy ang pagkatok.‘Buwisit talaga ang Beatriz na ‘to!’ Tumayo na siya pagkatayo ni Junrel na nakap

