Kinabukasan ay naging efficient chief of staff ulit ni Junrel si Graciela. Halatang namamaga ang mga mata nito sa kaiiyak. Naawa man siya rito ay wala naman siyang magagawa. He couldn’t just let himself be entangled with her in an intimate level just because of pity. Isa pa, ni hindi niya ito ma-imagine na kasama sa ganoong sitwasyon o relasyon. Sa halip ay napadako ang kanyang isipan kay Bop na siyang nagpapa-excite sa kanya hindi lang sa isip at katawan kundi puso rin at kaluluwa niya. Yes, he was irrevocably and deeply in love with her without any reason, without any hesitation and without any inhibition. At nais niyang malaman na ito ni Bop in plain words, not just in his action. Kaya ang plano niyang ipagpaalam ang kanyang tunay na nararamdaman sa dalaga ay gagawin niya sa kanilang t

