Halos magdamagan ang usapan nina Junrel at Bop sa telepono sa gabing iyon. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan nila. Hindi sila nauubusan ng paksa. Napagtanto ni Junrel na ayaw ng dalaga sa politika kaya naman ay hindi nila masyadong pinag-uusapan iyon kundi ibang bagay na lang. “Ah, so ang yaman-yaman mo pala sa inyo. Ba’t hindi ka naging businessman?” Ipinaliwanag ng binata ang lahat-lahat, wala siyang itinago. Siguro ay dahil sa kanyang damdamin para kay Bop kaya naging open siya sa lahat. Pili lang ang mga taong pinagsasabihan niya ng saloobin niya. Kahit kamakailan lang sila nagkakilala ni Bop ay wala siyang trust issue sa dalaga na tila ba ay nawala na lang parang bula iyon, na tila wala na siyang pundasyon niyon. He knew he had to tread carefully, especially with strangers. B

