C-1: Welcome Back!
Agad nakita ni Yllana ang kanyang sundo pagkalabas niya ng Airport. Mabilis na sumalubong sa kanya sina Pin at Ton, ang ubod ng kwela niyang mga bodyguard pero may pagka-tanga.
"Dumating na pala kayo Senyorita, mas lalo kayong gumanda!" Nakangiting wika ni Pin.
Inalis naman ni Yllana ang suot niyang sunglasses at tiningnan si Pin mula ulo hanggga paa.
"Pumangit ka at tumaba, sayang ang pasalubong kong chocolate sa'yo titigyawatin ka lang!" Tahasang sagot ni Yllana sabay lulan sa loob ng sasakyan.
Anong tawa naman ni Ton pero agad ding naputol iyon nang batukan ito ni Pin nang malakas. Kakamot-kamot na lamang si Ton na umibis ng sasakyan upang sa kabilang pinto ito sasakay. Anong irap naman ni Pin kay Ton hanggang sa makapasok sa loob ng sasakyan ang kaibigan nito. Lihim namang natawa si Yllana, kahit kailan ay wala pang ipinagbago ang dalawa niyang alalay nakakatuwa pa rin.
"Kumusta ang biyahe niyo Senyorita okay ba?" nakangiting tanong ni Ton sa dalaga nang makaupo na ito sa loob ng sasakyan.
"Ano sa palagay mo?" Balik tanong ng dalaga.
Sinipat naman ni Ton ang mukha ni Yllana sabay hawak sa sarili nitong baba.
"Ayon sa nakikita kong reaksyon ng mukha mo Senyorita medyo stress ka sa biyahe mo." Tumatangong sabi ni Ton.
Tumaas ang isang kilay ni Yllana na sumulyap kay Ton.
"Nadale mo tsong!" Anito.
Napapalatak naman si Ton sabay ngisi. "Tumama din ako sa wakas!"
Umirap lang si Pin kay Ton habang lihim pa ring natatawa si Yllana sa dalawa. Kaya bago magkapikunan sina Pin at Ton ay sumandal si Yllana sa upuan nito at pumikit. Tumahimik naman na ang dalawa dahil ayaw nilang maistorbo ang kanilang Senyorita.
Ilang sandali pa at nakarating na sila sa Mansyon. Pagkababa ni Yllana agad niyang nakita ang mga nakahilerang katulong sa may maindoor. Agad din siyang binati ng mga security guard at iba pang tauhan sa Mansyon. Tango lang ang naisagot ng dalaga kasabay ng pagngiti nito. Sa may malawak na sala ay naroon ang mga magulang nito at dalawang kapatid.
"Welcome home anak," masayang wika ng Mommy ni Yllana.
"Thanks Mom!" Kaswal na sagot ng dalaga.
"Finally, you're settling down princess!" Sabi naman ng Kuya Yusof ni Yllana panganay nila ito at may pamilya na pero sa Mansyon pa rin nakatira.
Nginitian naman ni Yllana ang kanyang Kuya Yusof. "Wala naman akong magagawa if ever I will protest,"
Nagkatinginan naman ang mag- asawang Don Yulong at Donya Ynez saka sila napatikhim.
"Anak, it's for your own safety. Kaya nga hinayaan ka namin sa lahat ng ginusto mo but you have to agree with us when the time is right. At ito na iyon, tingnan mo ang Kuya Yusof mo arrange marriage din pero they are happy together with their two children." Saad ni Don Yulong.
Napahalukipkip naman si Yllana sabay tango. Kabisado na niya ang linyahan ng kanyang Mommy at Daddy sa totoo lang. Mabuti na lamang at wala talagang nahanap si Yllana na lalaking masasabi niyang mahal niya. Dahil kung nagkataon lang baka nag- rebelde na nga siya sa arrange marriage na magaganap.
"I know naman Dad, like Kuya Yuhan happy din siya sa married life niya. Right Kuya?" Sagot ni Yllana saka nito tinapunan nang tingin ang Kuya niyang pangalaws na tahimik lang at nakamasid.
"Of course naman I'm happy with Peach," mabilis na sagot ni Yuhan.
Nagkibit-balikat na lamang si Yllana, inggrato din ang dalawa niyang kapatid. Akala siguro ng nga ito hindi niya alam na may problema din ang marriage life ng dalawa niyang kapatid. Pabagsak na naupo si Yllana sa couch sabay de kwatro.
"Kailan ba ang pamamanhikan?" diretsa niyang tanong.
Naupo naman ang mga magulang ni Yllana at ang dalawa niyang kapatid.
"Mamayang gabi anak iyon ang napagkasunduan namin ni Henry." Malawak ang ngiting sagot ni Don Yulong kay Yllana.
"Wow, ang bilis ah! Parang may hinahabol kayo, Dad?" Nakangising tugon ni Yllana.
Muling tumikhim si Don Yulong.
"Kailangan na anak, malapit na ang inspections sa majority stockholders ng Famous Empire Company. Baka sa iba mapunta ang aking posisyon malagay pa sa alanganin ang Empire na matagal kong iningatan. Kaya nakaisip kami ng paraan ni Pareng Henry ang makasal kayo sa lalong madaling panahon ng anak niyang panganay, si Storm." Paliwanag nito sa anak.
Yllana blinked her eyes twice.
"So, payag naman daw kaya ang eldest son ng kumpare niyo?" malamig niyang tanong.
"Oo, pumayag naman si Storm after all siya ang panganay kaya hindi puwedeng tumutol siya." Turan ni Don Yulong.
"Baka mamaya may fiancee siyang iba lalabas pang ako ang kabit," nakaismid na wika ni Yllana.
Natawa naman sina Yusof at Yuhan sa tinuran ni Yllana.
"What's funny?" Nakaarko ang kilay ni Yllana.
"Hindi ka talaga maloloko ng sino man, you're so smart and wise." Sagot ni Yusof.
Yllana smirked. "Kanino ba ako nagmana?"
Maging sina Don Yulong at Donya Ynez ay natawa kay Yllana. Yes, ang nag- iisang babaeng anak nila ay very smart and wise since she was born. Masuwerte ang negosyong mahahawakan nito for sure at higit sa lahat masuwerte ang magiging asawa nito. In fact, si Yllana ang nagturo kina Yusof at Yuhan na magamayan nila ang kanilang trabaho sa kumpanya. Lalo nang nagpatakbo na ang dalawa ng sarili nilang negosyo. Si Yllana ang nasa likod ng successful ng dalawa nitong kapatid sa murs nitong edad.
Biglang tumayo si Yllana. "I'm tired, I will rest a bit then maghahanda para mamayang gabi."
"Sige anak alam kong may jetlag ka pa! Anong gusto mong ulamin mamaya?" Si Donya Ynez na magiliw tinanong ang anak.
Ngumiti naman si Yllana. "Gusto ko ng ginamos with nilagang saging!"
"Yllana?" may pagtutol sa boses ni Yuhan.
Binalingan naman ni Yllana ang Kuya nito na nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Peach is allergic to ginamos," sabi ni Yuhan.
Napangisi naman si Yllana.
"Don't worry kakain ako sa may hardin, happy?" Aniya.
"Pasensya ka na, sana maintindihan mo." Hinging paumanhin ni Yuhan.
"I said don't worry, gotta go!" Pabuntonghiningang turan ni Yllana at tuluyan na itong umakyat sa mahabang hagdan na naka- red carpet.
"You should atleast consider na kadarating niya lang," sabi ni Yusof kay Yuhan nang wala na si Yllana.
"What's wrong sa sinabi ko? Mas maganda ngang maaga kong sinabi," maang na sagot ni Yuhan.
"Tama na 'yan! Kilala niyo ang inyong kapatid, mas gusto niya ng mga pagkaing pang- mahirap." Awat naman ni Don Yulong sa dalawa.
Bumuntonghininga naman sina Yusof at Yuhan dahil totoo ang sinabi ng kanilang Ama. Baka nga bukas ay nasa skwater ares na naman si Yllana imbes na namamasyal sa mga magagandang lugar. Hindi nila alam kung bakit ibang-iba ang hilig ni Yllana kaysa sa kanyang mga kapatid.
"Tatawagan ko si Sasha para maayusan siya mamayang gabi," excited namang wika ni Donya Ynez at nagpaalam na ito sa mag- aama.
Pumayag naman si Don Yulong dahil may babalikan pa siyang meeting. Talagang hinintay niya lang ang pagdating ng kanilang prinsesa. Ganoon din ang magkapatid na Yusof at Yuhan kung kaya't sabay - sabay na ang mag- aama na bumalik sa kani-kanilang mga naka- schedule na gagawin sa opisina.