Ito ang araw na mamanhikan na ang magiging asawa ni Yllana. Nakilala na niya ito dati pero hindi niya maalala sa dami ba naman ng naipakilala na sa kanya. Hindi niya sure kung ano nga bang hitsura ng magiging asawa niya nahiling niyang kahit ano na ang hitsura niya huwag lang bungi o bulutungin.
Naghanda naman ang pamilya ni Yllana katunayan nga may mga dekorasyon pa sa loob at labas ng Mansyon. Napabuntong-hininga na lamang si Yllana supposedly excited sana siya kaya lang hindi naman siya ang pumili ng kanyang mapapangasawa. At saka, baka tatandang dalaga na siya ay hindi pa siya makatagpo ng papasa sa kanyang standard. Yllana is wearing an old rose fit formal dress hanggang tuhod with konting slit sa left leg niya. Mas lumutang ang kaputian nito at young looking. Hinayaan lang din niyang nakalugay ang mahaba niyang maitim na buhok. Natural iyon, ayaw niyang magpakulay kahit pa sabihin ng nga kaibigan niyang plastic na uso ang de kulay na buhok.
"Wala pa ba sila?" tanong ni Yllana sa kanyang Mommy.
"On the way na sila anak, bakit mo natanong?" Sagot naman ng Donya.
"May pupuntahan pa ako Mom," tila dismayadong tugon ni Yllana.
"Anak, nalalapit na ang kasal mo iti muna ang asikasuhin natin okay?" insisted na wika ni Donya Ynez.
Tumingin naman si Yllana sa kanyang Mommy, hindi pa ito nakuntento mas humarap pa siya sa Ginang.
"Mom, kayo naman ang nagplano nito hindi ba? And besides, hindi naman ninyo hiningi ang opinions ko so, kayo na lang bahala. Mauuwi din lang naman ito sa hiwalayan pagkatapos!" Aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Donya Ynez sa sinabi ng anak nito.
"Yllana! Ano bang pinagsasabi mo anak? Walang hiwalayan na magaganap ano ka ba!" Bulalas ni ng Donya.
Tumaas naman ang isang sulok ng labi ni Yllana and she rolled her eyes.
"Mom, 'di mo sure kung magkaksundo kami ng Storm na 'yun okay? Hindi lahat ng arrange marriage happy ending mas marami ang sad ending!" Katwiran ng dalaga.
"Siya, tumahimik ka na nariyan na sila!" Awat ng Donya kay Yllana nang marinig na nila ang mga sasakyang nagsidatingan.
Nanahimik naman na si Yllana at prenteng tumayo para hintaying makapasok ang kanilang mga bisita. Ilang sandali pa ay may mga pumasok na dala ang kanilang mga regalo para kay Yllana na bride to be. Napapataas na lamang ng kilay si Yllana sa dami at mamahaling regalo ng Tito Henry niya.
"Not bad," mahina niyang bulalas.
Agad namang pinandilatan ni Donya Ynez si Yllana tanda na tumahimik ang dalaga. Napaismid naman si Yllana subalit nawala iyon nang makita niya ang isang Adonis na pumapasok sa malawak na sala.
Yllana held her breath, ang Adonis na nakikita niya ay tall, handsome yummy and hot. Makalaglag panty na animo actor sa Holywood movie, kapansin-pansin ang mga namumutok nitong muscles. Na konting galaw nito ay sumasama and nag-iigting ang mga panga nito. Napahugis O ang bibig ni Yllana, naisip niya kung siya ang kanyang mapapangasawa then Worth it ang kanyang pagpayag.
"Kumusta Mare, Pare!" Magiliw na bati ni Henry Trilles kaibigan, kumpare at kasosyo sa negosyo ng Ama ni Yllana.
Nag-beso- beso ang lahat hanggang sa ipinakilala na ni Don Henry ang magiging asawa ni Yllana.
"Storm meets Yllana laking abroad, she lives there half of her childhood." Masayang sabi ng Don.
"Hi!" Maikling wika ni Storm sabay offer sa palad nito.
Natawa naman si Yllana na agad ipinagtaka ni Storm.
"Ano ito, tropa? Well, nice meeting you!" Sabi ng dalaga at nagkadaupang palad na silang dalawa.
There, ramdam ni Yllana ang bolta-boltaheng kuryente na gumapang sa buo niyang katawan. Out of curiosity dahil bago ang nararamdaman niyang iyon sa tanang ng buhay nito ay mabilis niyang binawi ang kanyang kamay. Natitigan naman ni Storm ang mukha ni Yllana kaya nagkasalubong na naman ang kanilang mga mata. Napakurap-kurap naman si Yllana at agad ding nagbawi nang tingin.
"Well, I can see na magkakasundo silang dalawa, balae!" Masayang turan ni Don Henry sabay tawa.
Nagkatawanan ang lahat habang tahimik lamang sina Yllana at Storm, nagpapakiramdaman.
"Care for a walk?" Offer bigla ni Storm sa dalaga.
Gulat man si Yllana ay pumayag naman siya. Pakiramdam niya ay nasasakal siya sa loob ng kanilang Mansyon lalo pa't hindi naman sila gaanong nag-uusap ni Storm. Tanging ang kanilang mga magulang ang masaya at maingay na pinag-uusapan ang gaganaping kasal ng dalawa.
"How old are you?" Unang tanong ni Storm nang makarating na sila sa hardin.
"Twenty two," walang gatol na sagot ng dalaga.
Huminto naman si Storm sa paglalakad nito at tiningnang mabuti ang dalaga.
"Why? Hindi ba halata?" Nais tumawang tanong ni Yllana.
"No boyfriend?" Bagkus ay tanong din ni Storm.
"Wala! Pero suitors marami why?"
"Naninigurado lang ako ayoko ng gulo," malamig na tugon ng binata.
Napangiwi naman si Yllana.
"Eh, ikaw? No girlfriend?" tanong niya naman.
Napabuga nang hangin si Storm.
"Kaya nga ayoko ng gulo," anito.
Napakunot-noo naman si Yllana.
"Ang layo ng sagot mo at magulo pero sige I take that as an assurance that you are single too." Sagot ng dalaga.
Umupon si Yllana sa swing. Nanatili namang nakatayo si Storm pero sa kadiliman ito nakatingin.
"Alam kong napipilitan ka din sa marriage na ito, may oras ka pang umatras." Sabi ni Yllana nang mapansin ang sobrang katahimikan ni Storm.
"Bakit ikaw?" Tanong ni Storm.
"I have no choice saka, hindi naman masama ang gusto nina Mom and Dad. I can testify that arrange marriage sometimes is good just like my two brothers!" Saad ni Yllana sabay tingala sa langit.
Dinig ni Yllana ang buntonghininga ni Storm kaya alam nitong may problema ang binata.
"Sabi ko sa'yo may oras ka pang umatras okay lang!" Wikang muli ni Yllana na nakatitig sa likod ni Storm na bahagyang tumalikod.
"Shut up! Wala ako dito ngayon kung hindi ko ito pinag- isipang mabuti. Saka na tayo mag- usap nang mga bagay-bagay pagkatapos ng kasal." Seryosong sagot ni Storm.
"Okay lang," mabilis na tugon ni Yllana.
Napaharap naman si Storm sa dalaga na nakaupo pa din sa swing habang nakasandal sa hawakan.
"You're still young kaya padalos- dalos ka pa sa iyong desisyon. But let's see pagkatapos ng kasal," sabi ng binata.
Tumaas ang isang kilay ni Yllana sa sinabi ni Storm sa kanya.
"Don't underestimate me, Mr. Trilles baka magulat ka kung ano na ang nagawa ng batam- batang ito." Aniya.
Ngumisi naman si Storm.
"Looks like you're a competitive lady pero tingnan natin." Anito sabay bulsa ng isang nitong kamay sa suot na jeans.
"Okay ako diyan, I can prove it na hindi lang ako basta-basta bata na sinasabi mo. Mas na-challenge tuloy ako sa'yo my dear husband to be!" Nakangiting sagot ni Yllana with a pride.
Hindi naman na sumagot pa si Storm pero natitigan niya ang mala-inosentemg mukha ni Yllana. Naisip nito, may inosenteng mukha ang dalaga pero pasmado ang bibig nito. Kaya naman ay hindi magkatugma ang panlabas nitong kaanyuan sa panloob nitong katawan.
Ilang sandali pa ay sabay na ding bumalik sa loob sina Storm at Yllana. Anong lawak ng ngiti ng kanilang mga magulang pagkakita sa kanila na parang magkasundong- magkasundo na.
"They are perfect match!" Narinig pa ni Yllana sabi ng kanyang Ama.
Nais na lamang matawa ni Yllana subalit sinarili na lamang nito. Baka mamaya ay ma-offend niya ang kabilang partido sabihin pa siyang bastos. Ilang saglit pa ay napagkasunduan na ang petsa ng magiging kasal nina Storm at Yllana. Settled na ang lahat maliban sa kung anong klaseng kasal ang gaganapin kaya tinanong nila ang dalaga.
"Puwede bang private lang, iyong two families lang ang dadalo?" Sagot naman ni Yllana.
Nagkatinginan ang dalawang pamilya saka nila tiningnan si Storm.
"Ganoon din po ang gusto ko, intimate wedding walang masyadong abala." Sabi naman ni Storm.
Natuwa naman si Yllana, mukhang sa part na iyon ay parehas sila ng gusto ni Storm. Habang parang dismayado naman ang mukha ng magbalaeng Ynez at Selena. Maging sina Don Yulong at Don Henry.
"Kahit ito na lang ang ambag namin kaya sana please respect, tutal arrange marriage naman ito." Paliwanag pa ni Yllana.
"I agree po. There's nothing to celebrate nang bongga dahil hindi naman kami lovers na ikakasal." Sabat din ni Storm.
Medyo parang nakurot ang puso ni Yllana sa bandang iyon pero hindi na siya nagsalita. Kailangan pa din ng celebration wrong move si Storm pero ayaw na niyang sabunin pa ang binata.
"Kung iyan ang gusto niyo, wala kaming magagawa." Laglag ang balikat ni Don Yulong.
"Salamat po," magkasabay na tugin nina Storm at Yllana.
Napabuntong-hininga na lamang ang mga magulang ng dalawa. Pagkatapos ay muli na naman silang nagka-tsikahan pero hindi na kagaya dati na napakasaya ng mga ito. Para namang nakahinga nang maluwag si Yllana at alam din nitong ganoon din ang narararamdaman ni Storm sa mga sandaling iyon.