KABANATA 58: HINDI TUMIGIL SI Alessa sa kapupunta sa bahay niya para sabihing gusto niyang sumali sa pagkuha ng kayamanang itinago ng kanyang ama. Ayaw talaga niyang gawin pero wala siyang nagawa nang si Bruno na ang sumama kay Alessa para lang sabihan siyang tanggapin na ang offer. “What could be the payment of your good deeds, Alessa?” taas ang kilay na tanong ni Caro. Dahil nga ipinagpipilitan ni Alessa ang gusto niya, alam ni Caro na may gusto itong kapalit. “Nothing, Caro.” She shrugged. “I just want to help you!” Umikot ang mga mata niya saka humalukipkip. Muli siyang sumilip sa labas ng bintana. Kanina pa siya sumisilip dahil naiilang siya. Nakita ni Dalee na pumasok si Alessa at Bruno sa apartment at alam niyang magtatanong ito ‘pag sila na lang dalawa. “Make sure of that, Al

