KABANATA 39: LALONG SUMAMA ANG timpla ni Dalee nang pakawalan lang din si CEO Francisco Balez dahil walang solid na ebidensyang nagpapatunay na sa kanya nga ang baril na iyon. Isa pa, patay na ang dalawang kasama nitong mga bodyguard– to be more specific, iyong tinutukoy niyang may-ari ng baril. Wala na ring ibang pwedeng ikaso sa CEO at hindi na rin nito balak pang ipahanap ang kung sino mang umatake sa hotel niya kahit pa malaki ang naging damage nito sa reputasyon niya. Madali lang naman kasing sabihin sa media na inggit ang taong gumawa no’n sa kanya. Pauwi na sila ni Caro pero hindi na ito kumikibo. Kanina pa ito walang imik mula pa kanina matapos ang lunch. Papalabas sila ng police station at hindi na ito nagsasalita. “Anong nangyayari sa ‘yo? Masama ba ang pakiramdam mo?” takang

