KABANATA 35: ITINULOY NILA CARO ang plano nilang puntahan ang hotel room na pagmamay-ari ng kanyang ama sa isang five star hotel. Ang plano, magpapanggap siyang mag-re-rent ng hotel room. Habang si Kokoy naman ay kasama ni Bruno, nasa labas lang din sila ng hotel. Si Kokoy ang bahalang manabotahe sa mga CCTV sa daraanan niya habang si Bruno naman ang magtuturo sa kanya ng mga dapat na gawin. Pagdating niya sa hotel room, naupo kaagad siya at pinakinggan at tinawag si Bruno mula sa suot niyang wireless earphone. “I’m here, heads up,” he whispered. Naghintay siya roon ng ilang minuto hanggang sa may kumatok sa pinto. Tumayo siya at binuksan, pinapasok niya si Luna na nakasuot ng uniporme ng mga bellboy sa hotel. Dala nito ang trolley na ang nasa ibabaw ay mga pagkain ngunit ang totoo.

