KABANATA 34: DESPERADA NA SI Dalee na malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na pagkatao ni Caro. Kaya naman siya na ang nagpakumbaba sa kanilang dalawa. Pinatawad niya na ito kahit na naiinis pa rin siya rito. Ang totoong dahilan ay para hindi nito isipin na wala pa rin siyang tiwala kay Caro. She will make him trust her while she is digging into Caro’s real identity. Tatlong araw na rin ang nakalipas at hindi na sila muling nag-away, nagkasundo na sila sa mga bagay-bagay. Minsan nagtatalo sila ngunit simpleng bagay lamang iyon na agad rin nilang nareresolba. Ngayong araw ay tatlong preso ang dinala sa kanilang station, galing sila sa barangay at inilipat na sa police station dahil walang piyansa. Pare-parehong magnanakaw ang mga iyon. Araw-araw naman ay may krimen, ngunit mabuti na

