CHAPTER 49: DIRE-DIRETSO ANG LAKAD ni Caro papunta sa opisina ni Chief of Police Niel Valdez. Igting ang kanyang panga at nakakuyom ang mga kamao dahil sa inis. Hindi siya makapaniwala na ang isang drug pusher ay pinakawalan lang basta-basta. Alam niya ang ganitong kalakaran. Binabayaran lang ng mga kriminal ang pulis ay magiging bulag na ito sa lahat. Alam niya dahil gawain niya rin iyon. Ang problema lang, sa pagkakataong ito, hindi na siya ang nagbabayad sa pulis, siya na ang pulis na dapat humuli sa kriminal. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam ng mga tapat sa serbisyong pulis. Pagalit na binuksan ni Caro ang pinto ng opisina. Halos mapatalon naman sa gulat ni Chief Valdez nang makita siyang pumasok nang wala manlang pagkatok. “Andres!” bulyaw nito sa kanya sabay tayo mula

