KABANATA 50: BUMALIK SI CARO sa kanyang upuan na malaki ang hinalang tama ang kanyang hinala. Ang kailangan niya na lamang gawin ay ang gumawa ng paraan para makapasok sa loob ng kulungang iyon at subukang buksan ang sahig. Komplikado iyong gawin… Una ay dahil palaging may nakabantay na pulis, pangalawa ay may presong nakakulong sa kulungan. Pero kahit na komplikado, hindi pwedeng hindi niya subukan. Kailangang gumawa muna siya ng hakbang bago sumugod. Matapos ang trabaho at nakauwi na sila ni Dalee, nagpasya siyang kumustahin si Clemente. Lagpas isang Linggo na rin ang nakalipas mula noong huli silang nagkausap. Halos makalimutan niya nga rin dahil naging abala siya sa paghahanap ng kayamanan. Ilang ring pa lamang ay sumagot na ito sa kanyang tawag. “Good evening, Caro,” bungad na

