KABANATA 14: HATING-GABI NA pero wala pa rin si Caro. Kanina pa hindi mapakali si Dalee dahil kanina pa ito umalis. Hindi niya alam kung saan ito pumunta pero duda siyang masama ang pupuntahan nito. Hindi naman kasi pwedeng wala siyang pakialam, dahil katawan ng kaibigan niyang si Andres ang gamit ni Caro. Hindi nito pwedeng walanghiyain ang katawan na ipinahiram sa kanya. Nakakrus ang kanyang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib habang naghihintay sa labas ng pinto ng bahay ni Andres. Siguro’y dalawang oras na rin siyang naroon, nakapagyosi na rin siya’t lahat pero hindi pa rin ito dumarating. Alas-dose y media nang maramdaman niyang may paparating. Halos sugurin niya na si Caro nang makita niyang naglalakad ito palapit sa kanya, nakapamulsa pa at parang wala lang na huminto sa kanyang